Pang-Abay
Level:
Ikaapat na Baitang
Bilang
ng Estudyante: 50
Kakayahan
ng Klase: Heterogenous
Duration:Isang Oras
Unit:
1
Paksang-Aralin: Pang-Abay
I. Mga
Inaasahang Bunga
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay
inaasahang;
a. natututukoy ang
pang-abay sa isang pangungusap;
b. nagagamit ang pang-abay
upang makabuo ng pangngusap; at
c. nauuri ang pang-abay
II.
Layunin
a. Natutukoy ang katuturan ng Pang-Abay.
b. Malaman ang pagkakaiba ng Pang-Abay sa iba
pang bahagi ng pananalita.
III.
Kagamitan
a. Flash Card ng mga Bugtong na may mga
Pang-Abay, Libro, at Activty Card
b. Sanggunian:
· Lalunio, Lydia P.,
Hiyas sa Wika. LG & M Corporation, Quezon City. 2007
IV.
Pamamaraan
Mga Aktibidadis
|
Slide No.
|
|
1 Itanong
:
·
Sino sa klase ang may
alam kung ano ang bugtong?
·
Sinu-sino ang mahilig sa bugtong?
|
SLIDE 5
|
|
· Sagutin ang mga sumusunod na bugtong:
·
Nagsaing si Insiong,
sa ilalim ng gatong. (Kinakain ito, lalong masarap kung may tsaa)
·
Wala sa langit, wala
sa lupa, kung lumakad ay patihaya. ( isang sasakyan ito sa tubig)
·
Bituing buto’t balat,
kung pasko lamang kumikislap. ( isinasabit ito tuwing pasko o di kaya ay kung
malapit na ang pasko)
|
SLIDE 6
|
|
Itanong:
·
Sa unang bugtong,
saan daw nagsaing si Insiong?
·
Sa ikalawang bugtong,
papano lumakad ang tinutukoy na bagay?
·
Sa ikatlongng
bugtong,kailan naman kumikislap ang bituing buto’t balat?
|
SLIDE 7
|
|
Ipasuri
ang mga sumusunod na pangungusap:
1.
Nagsaing si
Insiong sa ibabaw ng gatong
2.
Patihayang lumakad ang
bangka
3.
Tuwing pasko kumikislap ang
bituing buto’t balat.
|
SLIDE 8
|
|
Anong bahagi kaya ng pananalita ang mga salitang
may salungguhit?
|
SLIDE 9
|
|
Ano ang pang-abay?
|
SLIDE 10
|
|
Pangkatang
Gawain:
Bumuo ng 3 grupo.
Bawat pangkat ay bibigyan ng Folder. Bibigyan ng guro ang bawat grupo ng oras
upang matapos ng grupo ang lahat ng kailangang sagutin sa Activity Card.
Kapag natapos ang mga Gawain sa Activity Card, ipapasa ito sa kabilang grupo
at gagawin naman ang panibagong Activity Card na naipasa sa sariling grupo.
Kailangang masagutan ang 3 Activity Card na ibibibgay sa inyo. Maghandang
ibahagi ang inyong gawa sa klase.
|
SLIDE 11
|
|
Activity
Card 1
Pang-abay
na Pamaraaan
Pansinin at suriin ang mga pangungusap:
·
Magaling sumayaw ng
Tinikling si Ana
·
Matulin tumakbo ang
kabayo ni Mang Ben.
·
Nagdasal nang taimtim si
Janna.
|
SLIDE 12
|
|
Ano ang inilalarawan ng mga salitang may
salungguhit?
Ano ang Pang-Abay na Pamaraan?
|
SLIDE 13
|
|
Activity
Card 2
Pang-abay
na Pamanahon
Suriin ang mga pangungusap:
·
Ang buong pamilya ay nagsisimba tuwing
Linggo.
·
Mamaya kami bibili ng
pagkain
·
Maghahanda kami
ng pagkain pagkatapos ng simba.
|
SLIDE 14
|
|
Ano ang inilalarawan ng mga salitang may
salungguhit?
Ano ang Pang-Abay na Pamanahon?
|
SLIDE 15
|
|
Activity
Card 3
Pang-abay
na panlunan
Suriin ang mga pangungusap:
Pumasok sa
paaralan ang kambal.
Hinintay nila
ang kanilang nanay sa harap ng gate.
Kumain sila
ng cake sa bakery.
|
SLIDE 16
|
|
Ano ang inilalarawan ng mga salitang may
salungguhit?
Ano ang Pang-Abay na Panlunan
|
SLIDE 17
|
|
2. Paglalagom
·
Ano ang pang-abay?
·
Anu-ano ang uri ng
pang-abay?
|
SLIDE 18
|
|
V. V.
Takdang-Aralin
Magsalaysay ng isang
karanasan sa isang pagdiriwang na hindi malilimutan tulad ng pasko, pista,
kaarawan at iba pa. Gumamit ng mga pang-abay isulat ito sa isang buong papel.
|
SLIDE 19
|
|
Inihanda Para Kay:
Dr. Myrna C. Bigueja
Associate Instructor 1